Tuesday, December 21, 2004





mga ibong -bahay sa farmer's, cubao

itim pa rin ang buga ng hangin
sa paligid ng tupok na palengke.
itim ang balat ng bubog, kahoy, semento at trapo.
itim ang lansa ng hininga mula sa nangalirang na gusali.

ngunit mula sa kung saan,
tatlong ibong-bahay ang dumapo
sa itim na pasimano ng bintana--
ibinuka ang tuka, sumiyap-siyap,
luminga-linga, kumibot ang buntot--
at nabasag ang itim na lungkot

na nakabalot sa palengkeng tupok.

--- danton remoto
 Posted by Hello